Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Thursday, February 2, 2012

Unang Araw Ng Taong 2012, Pinasiklab Sa Calapan




Kaalinsabay sa pagdiriwang sa unang araw ng taong 2012, ginunita ng mga Calapeño ang Sto. Niño De Calapan Festival na puno ng sigla, kulay at bagong pag-asa.
Ika-1 ng Enero, sinimulan ito ng Calapan Marching Band na naghandog ng masiglang tugtugin na gumising sa mga Calapeño mula sa iba’t-ibang barangay. Nilibot nito ang lungsod bilang pagbati sa panibagong taon ng umuunlad na Bagong Calapan.
Patuloy ang kasiyahan sa ginanap na Floral Parade ganap na alas-tres ng hapon kung saan pumarada ang mga kandidata ng Miss Calapan City 2011-2012 sakay sa kani-kanilang magarang floats sa pangunguna ni Miss Calapan Carrisa Pauline Laudencia. Kasama ang mga candidates at nagwagi sa Search for Little Mr. and Miss Calapan City at marching bands ng iba’t-ibang paaralan ng Lungsod, binigyang kulay nila ang kahabaan ng J.P. Rizal Street maging ang iba pang mga kalsada sa poblacion ng syudad.
Isang grand procession naman kinagabihan ang inialay ng mga mamamayang Calapeño para kay Sto. Niño mula sa Sto. Nino Cathedral hanggang sa City Plaza. Sinalubong ito ng pinakaaabangang Fireworks Display na handog ng Calapan City Fiesta Executive Committee. Matapos ang engrandeng Fireworks Display, lalong pinatindi ang kasiyahan ng mga Calapeño sa ginanap na Celebrity and Variety Show sa City Plaza tampok ang mga kilalang artista at personalidad. Sinimulan ito sa makwelang magic presentation nina Jeff Tam at Brod Pete. Sinundan ito ng tugtugan at yugyugan na pinangunahan ng internet sensation na sina Moymoy Palaboy. Personal ding nasilayan ng mga Calapeño sina Mahal at JM De Guzman na bida sa kasalukuyang ABS-CBN Teleserye na pinamagatang “Angelito, Ang Batang Ama.”
Malaki ang pasasalamat ni Vice Mayor Jojo Perez na siya ring Fiesta 2011-2012 Executive Chairman sa matagumpay na isang buwang selebrasyon ng Sto. Niño De Calapan Festival. Lubos niyang ikinagagalak ang aktibong partisipasyong ng mga Calapeño sa programang inilaan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa kanila. Kabilang sa mga nabanggit niyang paalala para sa taong 2012 ay ang patuloy na adbokasiya ng GREEN CALAPAN PROGRAM at ang malawakang implementasyon ng “No Plastic Ordinance.”
Ayon kay Mayor Leachon, mapalad ang Lungsod ng Calapan dahil nananatili itong ligtas sa kabila ng kahirapan at trahediya na dinanas ng ibang lugar sa bansa nitong mga nakalipas na taon. Buong pagmamalaki din niyang binalita ang nakaraang parangal at pagkilala na hinakot ng Lungsod sa nakalipas na taon. Isang pagsubok aniya ang taong 2012 at nararapat na ipagpatuloy ang pagsisikap at pagpupursige para sa patuloy na kaunlaran ng Lungsod. Kabilang sa mga proyekto na nais niyang ipatupad ang pagsasaayos sa stage ng Calapan City Plaza at ang pagkakaroon ng kauna-unahang Gaisano Mall sa Luzon na sa Calapan napiling itayo.
Pinasalamatan niya pakikiisa ng mga Calapeño sa proyekto at programa ng kasalukuyang administrasyon gayundin ang taimtim na pananalig ng mga mamamayan sa Diyos.

No comments:

Post a Comment

 
New Business Work at Home