Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Wednesday, February 8, 2012

“2011 Seal of Good Housekeeping” iginawad sa Calapan ng DILG

Umani muli ng parangal ang Lungsod ng Calapan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) noong ika-27 ng Disyembre 2011, ito ang “2011 Seal of Good Housekeeping Award.” Patunay ito ng patuloy na pagiging isa sa Most Competitive Cities ng lungsod sa buong bansa.
 Kaugnay ang prestihiyosong parangal sa reform agenda ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa temang “Biyaheng Pinoy: Tapat na Palakad, Bayang Maunlad.” Tumutukoy ito sa kahanga-hangang kakayahan at mga nagawa ng isang lokal na pamahalaan sa larangan ng pagpaplano, pagkakaroon ng maayos at bukas na pamamahala, kahandaan sa
pananagutan at sa pagpapahalaga sa mga bagay na naisakatuparan ng isang Local Government Unit (LGU).
 Sa rekognisyong nakamit ng Lungsod ng Calapan, malaki ang naiambag ng pagkakaroon ng mahusay na pagpaplano sa pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Doy C. Leachon. Kabilangdin ditto ang maayos na pagsusumite ng mga ulat ukol sa mga proyekto at serbisyo na ginampanan nito sa nasasakupan.
 Ayon kay Mayor Leachon, malaking karangalan ang Seal of Good HousekeepingAward na siyang sumasalamin sa de-kalidad at responsableng pamamahala sa Calapan. Dagdag pa dito, bilang resulta ng maayos na pamamahala, inaasahan niya na marami pang magagandang oportunidad ang dadating sa syudad at mas makikilala pa ito ng mga mamumuhunan upang higit na umunlad ang ekonomiya nito.
 Nakatakdang tumanggap ng 3 milyong piso ang Lungsod ng Calapan bilang gantimpala sa nasabing parangal. Malaking tulong ito sa pagpapatuloy ng mga makabuluhang proyekto at serbisyo para sa mga Calapeño. Tumanggap din ang Lungsod ng sertipiko na nilagdaan ni DILG Regional Director Atty. Rolando Calabarzon.

No comments:

Post a Comment

 
New Business Work at Home