Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Wednesday, February 8, 2012

KDAP, patuloy sa pagtataguyod ng negosyo para sa mga Calapeno

Patuloy ang adhikain ng “Ang Bagong Calapan” sa pagtugon sa kakulangan ng trabaho at pagbabago sa kabuhayan ng mga mamamayang Calapeño lalo na sa iba’t ibang barangay. Sa katunayan, apat na samahan ang bagong napabilang sa matagumpay na Kapag Disiplinado, Aasenso Program (KDAP) na kasalukuyang may 36 existing beneficiaries.
 Kabilang sa apat na samahan ang “Action Mamamayan para sa Kaunlaran” na binubuo ng tatlong grupo mula sa Baranggay Parang, Sta. Isabel at Guinobatan, at ang grupong “Samahan sa Lumangbayan”. Katulad ng ibang mga kalahok sa proyekto, tumanggap din ang bawat grupo ng 30 libong piso noong ika 25 ng Enero taong kasalukuyan bilang
dagdag puhunan sa kanilang negosyo.
 Layunin ng KDAP na ikintal sa puso at isip ng mga mamamayan ng lungsod na ang disiplina at pagsisikap ay susi sa pag-asenso. Hinihikayat ng programang ito na magtatag o magpatuloy ng kumikitang kabuhayan ang mga Calapeño. Dagdag pa dito, isa ring patimpalak ang nasabing programa kung saan ang grupo o organisasyon na may pinaka-maayos, pinaka-disiplinado at pinaka-organisadong sistema o operasyon ng itinayong kabuhayan ay magkakamit ng isang milyong piso. Nagsimula na ang screening at evaluation process nito noong nakaraang taon. Sa darating na Agosto gaganapin ang paggawad ng parangal sa magwawagi.
 Kasalukuyang nasa monitoring stage na ang KDAP. Kabilang sa mga pamantayan ng paghuhusga sa magwawagi ang savings mobilization at financial aspect; human development; at ang kaayusan ng kabuoang operasyon ng grupo, organisasyon o kooperatiba. Ayon kay KDAP Action Officer Dodie Tubig, bagamat nahuli sa pagsali ang 4 na grupo, mayroon pa silang 8 buwan na preparasyon upang mapaghandaan at maisaayos ang kanilang negosyo para sa isang milyong papremyo. Binanggit din niya na bilang bahagi ng programa, maaring humingi ang mga kalahok ng suporta sa mga institusyon bilang dagdag puhunan sa kanilang negosyo. Sa katunayan, biniyayaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang isa sa mga kalahok, Anoa Mindorensis ng 300 libong piso bilang tulong sa pagpapalago at pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan. Kaya nga’t ayon kay Tubig, walang talo sa KDAP sapagkat lahat ng partisipante ay natulungan at ang pagapapatuloy sa negosyo ang tanging kasigurahan sa pag ahon sa kahirapan.

No comments:

Post a Comment

 
New Business Work at Home