Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Saturday, February 4, 2012

Mga Bulilit Na Bumida Sa Search For Little Mr. & Miss Calapan City 2012


Carpio At Coliflores, Mga Bulilit Na Bumida Sa Search For Little Mr. & Miss Calapan City 2012

Nangibabaw naman sa lahat ng mga candidates ang galing at pagka-smart ng dalawang bulilit na sina Tricks D. Coliflores at Lorin Jasmin M. Carpio sa ginanap na Search for Little Mr. & Miss Calapan City 2011-2012 noong ika-27 ng Disyembre sa City Plaza.
Ang nasabing patimpalak ay pinaghalong search at popularity contest. 50% ng kompetisyon ay magmumula sa popularity contest at ang natitirang kalahati ay kukunin naman sa talent competition na ginanap noong ika-23 ng Disyembre sa CC Hall at mga minor awards tulad ng Best in Casual Wear, Best In School Uniform, Best in Formal Wear, Best in Production Outfit at Casual Interview.
Kapansin-pansin ang pagiging bibo at cute nina Coliflores na hinirang na Little Mr. Calapan City 2012 at Carpio na napili namang Little Miss Calapan 2012. Nauna ng ipinamalas ng mga kabataan ang kanilang galing sa naganap na pictorial noong November 25, 2011 sa Calapan Recreational and Zoological Park sa Brgy. Bulusan at sa isinagawang motorcade at presentation of candidates noong ika-4 ng Disyembre sa Sangguniang Panlungsod Session Hall sa Brgy. Guinobatan, Calapan City.
Si Tricks D. Coliflores na representante ng Southfields Educational Foundation Philippines, Inc. ay limang taong gulang at anak nina Mr. Eliuterio M. Colliflores at Mrs. Natalia M. Colliflores.
Si Carpio naman na mula sa Calapan Central School at representante ng Calapan East Schools District ay pitong (7) taong gulang at anak nina Mr. Nelson Y. Carpio at Mrs. Lorife M. Carpio. Dahil sa kakaibang talent na kaniyang ipinakita kung saan isinayaw niya sa isang ballroom dance ang isang puppet, hinirang siya na Best in Talent.. Siya rin ang napiling Best in Production Outfit na nagbigay sa kanya ng karagdagang puntos upang manalo. Si Carpio din ang nanguna sa isinagawang popularity contest.
Ang mga sumusunod naman ang mga candidates na nagwagi ng iba pang minor awards:
Best in Casual Wear:
Boy      C. No. 5                        Aspen Lee Humes                      Adriatico Memorial School (AMS)
Girl      C. No. 5                        Avrigne Nicole Perez                Adriatico Memorial School
Best in School Uniform:
Boy      C. No. 6                        Jian Watanabe                         Calapan Central School (CCS)
Girl      C. No. 2                        Marie Reyes                             Divine Word College of Calapan (DWCC)
Best in Formal Wear:
Boy      C. No. 4                        Cedric Emmanuel Diaz               Luna – Goco Colleges
Girl      C. No. 4                        Yza Angela Almonte                 Luna – Goco Colleges (LGC)
Best in Production Outfit:
Boy      C. No.5                         Aspen Lee Humes                      AMS
Girl      C. No. 6                        Lorin Jasmin Carpio                   CCS
Best in Talent:
Boy      C. No. 2                        Aron Jeshley Abragante                       DWCC
Girl      C. No. 6                        Lorin Jasmin CArpio                   CCS
Bukod naman kina Coliflores at Carpio na tinaghal bilang Little Mr. and Miss Calapan City 2011-2012, ang mga sumusunod ang iba pang nagwagi:
Winners                                    Boy                                          School
5th Runner-Up               Mark Joven Aguila                                Lalud ES
4th Runner-Up               Cedric Emmanuel Diaz                           LGC
3rd Runner-Up               Aron Jeshley Abragante                       DWCC
2nd Runner-Up               Jian Watanabe                                     CCS
1st Runner – Up             Apen Lee Humes                                   AMS
Winners                                    Girl                                          School
4th Runner-Up               Avrigne Nicole Perez                            AMS
3rd Runner-Up               Allyssa Nicole Macatangay                   Lalud Elementary School
2nd Runner-Up               Marie Reyes                                         DWCC
1st Runner – Up             Yza Angela Almonte                             LGC
Lubos naman ang tuwa ni Little Mr. & Miss Calapan Committee Chairperson Wilnor C. Perez, ang may-bahay ni Vice-Mayor Jojo S. Perez sa naging tagumpay ng proyekto. Aniya, ang mga bulilit candidates ang magsisilbing inspirasyon hindi lamang para sa mga kabataan na ka-edad nila ngunit maging ng ibang kabataan lalo na at sila ang pag-asa ng bansa sa kinabukasan.
Ipinaabot naman ni Fiesta Chairman at Vice Mayor Jojo S. Perez ang kaniyang lubos na pasasalamat sa mga magulang na sumuporta sa nasabing patimpalak at sa lahat ng nakibahagi sa masayang pagdiriwang ng Calapan City Fiesta ngayong taon.
Bilang tanda ng pasasalamat at pagkilala, tumanggap ng mga Plaques of Recognition ang mga magulang ng mga bulilit candidates maging ang mga miyembro ng board of judges.
Lalo namang naging masigla ang gabi ng koronasyon dahil sa dalawang sikat na artistang bulilit na umawit at nagpalaro sa mga batang manunuod. Nakisaya sa gabing iyon sina Angel Sy at Aaron Junatas ng pamosong pambatang show na Going Bulilit ng ABS-CBN.
Buong pagmamalaki namang ikinwento ni Mayor Doy C. Leachon ang mga parangal na inani ng Lungsod ng Calapan sa kaniyang mensahe sa gabi ng koronasyon. Ipinagpapasalamat niya na dahil sa patuloy paggabay ni Patrong Sto. Niño ay nananatiling ligtas ang lungsod kumpara sa ibang mga lugar sa bansa na dumaranas ng mga pagsubok na dala ng mga hindi inaasahang kalamidad. Banggit pa niya, “We are proud because this government is working, this government is true and will continue to deliver for the betterment of Calapeños.”
Naging matagumpay ang Search and Popularity Contest 2011-2012 dahil sa mga miyembro ng komite nito na pinangungunahn ni Mrs. Perez. Kasama niya sa komite sina Mr. Dodie S. Tubig Hon. Bong S. Brucal, Hon. Jojie Malapitan at bilang mga Co-Chairmen; Mr. Boyet Basilan, Mrs. Nely Asturias at Mrs. Juvy L. Bahia bilang Vice-Chairpersons; mga members na sina Mrs. Rhoda Apacible, Mrs. Keith R. Panahon, Mrs. Arlene Briones at Mr. Ferdinand Abas; at si Mr. Joey Antonio na siyang gumanap na director.

No comments:

Post a Comment

 
New Business Work at Home