Muling nagsagawa ng maramihang pagtatanim ng mga puno ang samahan ng bikers ng Oriental Mindoro nitong Pebrero 27, sa Sitio Arigoy, Barangay Calsapa, bayan ng San Teodoro.
Ayon kay Community Affairs Officer IV Roberto O. Mendoza, nasa 200-pananim na lawaan at apitong ay pinagtulungang itinanim ng bikers ng lalawigan at ng mga kawani ng pamahalaang bayan ng San Teodoro bilang proteksyon na rin sa itinatayong ‘Linao Cawayan Mini-Hydro Power Plant’ sa nabanggit na lugar.
Sinabi naman ni Chapter President Dennis Amuguis ng Calapan Mountain Bikers Calapan City, na patuloy ding susuporta sa mga adhikain ng pamahalaaang panlalawigan ang mga samahan ng bikers sa lungsod ng Calapan at sa mga bayan ng Baco, San Teodoro, Puerto Galera at Victoria. (Provincial Information Office)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment