Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Friday, February 3, 2012

Mga Plano At Programang Pangkaunlaran Ng Calapan, Inilatag Sa Taunang Pangkalahatang Pagpupulong


Kakulangan sa pondo, hindi hadlang sa pagpapatuloy ng mga Programa

“If we are banking on total development, we should not compromise the development of the city.” – Ito ang pahayag ni Mayor Doy C. Leachon sa kaniyang panimulang mensahe sa katatapos lamang na Taunang Pangkalahatang Pagpupulong na isinagawa sa Sangguniang Panlungsod Session Hall noong ika-10 ng Oktubre 2011.
Layunin ng nasabing pagpupulong ang paglalahad ng mga taunang plano at programa para sa taong 2012. Aktibong nakibahagi dito ang mga pinuno ng iba’t-ibang barangay, mga Department Heads at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Jojo S. Perez.
Ayon kay Mayor Doy, malaking pagsubok sa Calapan ang hinaharap nitong ‘triple whammy’ o tatlong dahilan kung bakit mababawasan ang kabuuang annual budget ng lungsod. Una dito ang pagbaba ng buwis na taunang kinakalap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na siya ring dahilan ng 4% budget decrease ng mga lungsod sa buong bansa. Pangalawa ang pagkakadeklara sa 16 na munisipalidad bilang mga bagong lungsod. Pangatlo ang salary standardization at increase para sa mga kawani ng gobyerno.
Halos Php.450 milyon ang annual budget ng pamahalaang lungsod na naipasa noong 2009 ngunit para sa taong 2012, nabawasan ito ng halos 70 milyong piso. Gayunpaman, naniniwala si Mayor Doy na kahit may budget deficit, hindi ito hadlang sa patuloy na pag-unlad at pag-asenso ng Lungsod. Aniya, “Bihis na bihis na ang lungsod na ito,” patunay na umaasenso na Calapan. Sa katunayan aniya, kinilala ang Lungsod kamakailan bilang isa sa mga Most Business Friendly LGU sa bansa dahil sa maayos na sistema ng pamamahala at sa pagdami ng investors at commercial establishments. Dagdag pa niya, “Hindi maaaring pabayaan ang mga programa ng pamahalaang lungsod na nakalaan para sa mga Calapeno. Sa milyong pondo na nabawas sa Lungsod, mainam ang pagkakaroon ng cost cutting measures, pagbabawas sa mga ‘di kinakailangan gastos ng pamahalaan at pagtutok pa sa mga gawaing pangkaunlran para sa darating na mga taon.”
Inihalal din sa nasabing pagpupulong ang “Road Map” ng Lungsod ng Calapan na magiging gabay hanggang sa taong 2016. Nabuo ito sa tulong ng Institute for Solidarity in Asia (ISA) sa ilalim ng Performance Governance System (PGS) na ipatutupad sa syudad. Dito ay inilahad ni Engr. Redentor Reyer, Asst. City Planning and Development Coordinator, ang ’14 impact programs’ at ibang mahahalagang programa at proyekto ng pamahalaang lungsod sa susunod na 3 – 5 taon. Inaasahang sa pamamagitan ng PGS ay lubos na makikila ang Calapan bilang “A City of Discipline and Unity” sa 2016.
Pinangunahan naman ni City Planning and Development Coordinator Marvin Panahon ang paglalahad ng Taunang Plano para sa 2012. Dito nabigyang linaw ang pagtatalaga ng kaukulang pondo para sa mga programa at proyekto ng lungsod sa sunod na taon. Sinang-ayunan naman ito ng mga pinuno ng iba’t ibang barangay at kawani ng pamahalaan.
Matapos ang talakayan, inaprubahan ng lahat ang taunang plano na pinal na isinumite sa City Council noong ika-15 ng Oktubre 2011. Matagumpay din na natapos ang aktibidad kung saan may diguradong daan tungo sa kaunlaran ang Calapan sa kabila ng mga kakaharaping pagsubok  sa susunod na taon.

No comments:

Post a Comment

 
New Business Work at Home