Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Thursday, February 9, 2012

Pamahalaang lungsod ng Calapan, nananatiling iso Certified

Tunay na maipagmamalaki ang pagkakahirang sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan bilang isa sa apat lamang na nananatiling International Organization for Standardization (ISO) Certified Local Government Units (LGUs) sa buong Pilipinas. Mula sa 122 mga LGUs sa bansa, apat lamang ang patuloy na nahahanay at muling kinilala sa larangan ng maayos na pamamahala at may pang-internasyunal na kaledad ng serbisyo publiko.
Tinanggap ni Punong Lungsod Doy C. Leachon ang sertipiko ng pananatili ng Calapan LGU sa pagiging ISO certified sa Malacañang Palace noong ika-16 ng Enero 2012. Mismong si Pangulong Benigno S. Aquino III ang naggawad ng nasabing sertipiko sa Alkalde.

Kabilang din sa apat na pinarangalan ay ang lungsod ng Dagupan, Tanauan, Batangas at San Fernando, La Union.
Nakatutugon ang pamahalaang lungsod sa mga pamantayan na nakapaloob sa ISO 9001: 2008 Quality Management Standard ng Certification International Philippines, Inc. (CIPI). Ang CIPI ay nagsasagawa ng taunang audit na siyang magsasabi kung patuloy na mananatiling ISO Certified ang Calapan City LGU. Bahagi din ang audit ng layunin na higit na masiguro ang pagkakaroon ng mabilis at de kalidad na serbisyo para sa mga mamamayan ng lungsod at maging sa mga bisita o negosyante na nagnanais na mamuhunan sa Calapan. At sa resulta nga ng ikatlong surveillance audit ng CIPI, muli na namang pumasa ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa mga pamantayan ng ISO.
Ayon kay City Planning Development Department (CPDD) Project Evaluation Officer III Lea Carpio, kabilang sa mga proseso ng serbisyo na dumaan sa pagsusuri ang: (1) pagbibigay ng mga business permits at iba pang clearances ng City Health and Sanitation Department (CHSD) at City Engineering and Public Works Department (CEPWD); (2) appraisal at assessment ng real properties; (3) ang pagbibigay ng tax declaration copy ng City Treasury Department (CTD) at City Assessor’s Department (CAD); (4) at pagrerehistro at pagbibigay ng birth certificates, death certificates at marriage certificates ng City Local Civil Registry (CLCR).
Binigyang-diin din ni Carpio na sakaling sa audit ay may makita sa LGU na major non-conformity sa mga alituntunin ng ISO, maaaring suspendihin ang sertipikasyon na ibinigay dito. Dagdag pa niya, binibigyan lamng ng 90 araw ang organisasyon na magsagawa ng corrective action kung sakaling mapatawan ito ng suspensyon.
Ipinagmamalaki ni Mayor Leachon na isa ring TOYM 2011 Awardee, ang pagpasa ng Calapan sa nasabing 3rd surveillance audit at napanatili ang pagiging ISO Certified ng Calapan. Patunay ito, ayon sa kaniya, na hindi nagsasawa at patuloy na nagbibigay ng quality public service ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.

1 comment:

Zab said...

Great news for the city. I believe that being an ISO certified company in the Philippines is really an advantage in all aspects.

Post a Comment

 
New Business Work at Home