Bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa isang Drug-Free City of Calapan, muling nagsagawa ng Drug Testing ang Pamahalaang Lungsod sa mga kawani noong ika-24 ng Enero 2012.
Pinangasiwaan ang nasabing aktibidad ng City Human Resource Management Department (CHRMD) sa pamumuno ni City Human Resource Officer Rene M. Colocar kasama ang JDB Drug Testing Center na kinikilala ng Department of Health. 25 empleyado ang sinuri para sa unang batch.
Kabilang sa kanila ang mga kawani ng Public Safety Department (PSD), Traffic Management Office (TMO) at mga Security Guards. Layunin ng ginanap na test ang pagtukoy sa mga indibidwal na nasasangkot sa pag-abuso at paggamit ng iligal na droga. Dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, nagiging sanhi nito ang nakakapinsalang problema sa katawan; kalusugan; sa relasyon sa kapwa at kapamilya; at nagkakaroon din ng masamang epekto sa pagtupad sa tungkulin sa trabaho. Ayon sa statistics, naitalang mahigit kumulang 50,000 ang kaso ng droga sa bansa ng taong 2011. Ito ang dahilan sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na panatilihin ang pagkakaroon ng 0% drug use and abuse sa buong lungsod. Ang Calapan ang magsisilbing magandang ehemplo na tutularan ng mga Pilipino.
Bumisita ang mga kawani ng JDB Drug Testing Center sa bawat departamento dala ang kanilang makabagong kagamitang teknikal upang masuri ang mga kawani sa pamamagitan ng ihi, buhok, at iba pa.
Ayon sa CHRMO, ang sinumang casual employee na positibo sa ginawang pagsusuri ay awtomatikong tatanggalin sa trabaho at agarang ipapadala sa rehabilitation centers. Sa kaso naman ng mga regular na empleyado, sinumang magpopositibo sa test ay dadaan sa due process of law at maaaring sampahan ng kasong administratibo. Sa kasalukuyan , mayroong mahigit 500 permanent at 600 casual employees ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan.
Ayon sa JDB, karaniwan sa mga mapanganib na mga gamot na naabuso ang THC na karaniwan ay tinatawag na marijuana, magbunot ng damo, usok, pot at hash; kokaina o kilala sa tawag na pumutok, skitz at snow; methamphetamine/MDMA na tinaguriang ice, ecstasy, loka, bubog at salamin; opiates o heroin, kabayo, oxycontin vicodin, morpina, koudin at nikotina; amphetamines o kilala sa tawag na bilis, gaya nina at pumunta; at benzodiazepines o bar, roofies, date rape drug, valium, Librium at xanax. Lahat ng substance ng mga ito ay maaaring Makita sa drug test na isinagawa.
Mahalagang isyung pangkaligtasan para sa mga mamamayan ang pagkakaroon ng kaalaman at kamalayan sa masamang naidudulot ng pag-abuso sa iligal na droga. Ang Drug Test sa pangkalahatan ay ang nagsisilbing preventive measure upang masiguro ang pagiging Drug Free City ng Lungsod ng Calapan.
No comments:
Post a Comment