Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Tuesday, February 21, 2012

Mayor Doy, kumpirmadong nananatili bilang district chairman ng partido Liberal para sa Oriental Mindoro



pics817Opisyal na idineklara at kinumpirma ng Liberal Party (LP) si Mayor Doy C.  Leachon bilang District Chairman of the 1st District of Oriental Mindoro. Base ito sa isang memorandum na nilagdaan ni LP Director General Ma. Gladys Cruz-Sta.Rita noong ika-25 ng Enero 2012.
Ayon sa memorandum, nagkaroon ng maliit na pagkakamali sa nilalaman ng inimprentang 65th Anniversary Commemorative Magazine ng Liberal Party noong Enero 2011 kung saan hindi nabanggit ang pagiging District Chairman ni Mayor Leachon. Bagkus, ang nabanggit dito ay ang pagiging City Chairman ng Punong Lungsod para sa Calapan. Kaya’t kinumpirma agad ng nasabing partido ang pagkakatalaga kay Mayor Leachon bilang District Chairman ng unang distrito ng Oriental Mindoro upang maresolba at matuldukan ang anumang ‘di pagkakaunawaan at pagkalito.
Kinumpirma din ito ni BM Henry Bacurnay, National President ng Provincial Board Members of the  League of the Philippines (PBMLP). Aniya, ang impormasyong nailahad sa naimprentang LP magazine ukol sa party chairmanship ng lalawigan ay isang “honest mistake.”
Ayon din kay Undersecretary Chito Gascon, dating Former Director General ng LP,  “no local party appointments were issued after the 2010 elections in Oriental Mindoro and unless otherwise later issued by proper party authorities, the policy is status quo.” Patunay ito na si Mayor Leachon na itinalaga noong Marso 2010 bilang  LP District Chairman para sa 1st District ng Oriental Mindoro, ang nananatili at nag nag-iisang District Chairman ng partido sa unang distrito ng lalawigan.
Noong Marso 2010, personal na nanumpa sa tungkulin si Mayor Leachon sa harap ni Pangulong Benigno S. Aquino III na siya ring National Chairman ng LP. Doon din ay tinanggap ng Alkalde ang sertipiko ng kanyang pagkakatalaga sa tungkulin. Kasama sa kanyang oath-taking si LP Oriental Mindoro Provincial Chairman Alfonso V. Umali, Jr. na siya ring gobernador ng nasabing lalawigan.
Ang LP ay isa sa mga pinakamatandang political parties sa bansa na itinayo noon pang ika-19 ng Enero 1946 ni Manuel Roxas, ang unang pangulo ng Third Philippine Republic. Isang karangalan ang mapabilang sa partidong ito sapagkat naging instrumento ang samahan sa mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa upang mangibabaw ang karapatang pantao at pagpapanatili ng kalayaan ng bawat          Pilipino.
Bukod kay Pangulong Noynoy Aquino, kabilang sa mga kilalang miyembro ng samahan sina DOTC Secretary Mar Roxas, Senator Franklin Drilon, Speaker Feliciano Belmonte, DILG Secretary Jesse Robredo at ang yumaong bayani ng Pilipinas na si Ninoy Aquino.

No comments:

Post a Comment

 
New Business Work at Home