Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Tuesday, February 14, 2012

CALAPAN HYMN

Calapan Lungsod na Minamahal

Sa palad ng Diyos nagkahugis ang pag-asa
Hamak na pook umusbong at ngkabunga
Lungsod ng Calapan 'di malilimutan
Kahit nakalipas na taong nagdaan


Ikaw ang mutya nga tuwa't kapayapaan
Huwaran at lakas ng maraming bayan
Maayang paligid, talino ng tao
Bukas na daan sa Silangang Mindoro

KORO:
Magdiwang Oh Lungsod ng Calapan
Kaisang puso , isang pananaw
Mabuhay lungsod na minamahal
Pinanday tungo sa kaunlaran


Lungsod na sa amin ay lumingap
Umakay ka sa magandang palad
Parangalan bantayog ng giting
Puso't diwa ang nagbuklod sa amin

Refrain:
Oh! Magdiwang mga Calapeño
Lungsod na hinirang
Ingata't pagyamanin

(Repeat Chorus)

No comments:

Post a Comment

 
New Business Work at Home