Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Sunday, January 8, 2012

Know Our City Mayor

Mayor Doy Leachon


Tunay at Tapat na Calapeño, dugong bayani at serbisyo publiko:
- Bunsong anak ni Judge Emilio Leachon Jr. T Pilar Mendoza Cueto.
- Apo ni Dating Mayor Epifañio Cueto, bayaning mayor ng Calapan noong World War II; kasama si Bishop Finneman, Mayor Cueto at inihulog sa malalim na bahagi ng karagatan ng Isla Berde dahil sa pamumuno sa mga Guerilla laban sa mga Hapones.
- Pamangkin ni Dating Mayor Cesario Cueto ng noon ay bayan ng Calapan.

Likas na talino at galing:
- Nagtapos ng elementary bilang First Honorable Mention noong 1986 sa Holy Infant Academy.
- Nakatanggap ng Leadership Award noong nagtapos ng sekondarya sa Divine Word College of Calapan sahil sa pagiging Unang Student Council President ng DWCC High School noong 1990.
- Dean’s Awardee habang nasa San Beda College kung saan nagtapos siya ng kursong AB Philosophy noong 1994.
- Nakapagtapos ng kursong Bachelor of Law at naging bar topnotcher ng nakuha niya ang ika-17 pwesto ng 1999 Bar Exams, isa sa pinakamahirap na Exams sa kasaysayan.

Pagsubok at Tagumpay
- Edad na 18, maagang pumasok sa buhay pamilya ng kanyang pakasalan ang kanyang kasintahan na si Ronalee Escondo.
- Nagtrabaho bilang taxi driver at fast food crew habang nag-aaral ng kolehiyo para masuportahan ang pamilya at pag-aaral.

Karanasang hindi matatawaran:
- Habang nag-aaral ng abogasya, nagtrabaho siya bilang Legal Researcher sa Korte Suprema, Senado at Kongreso.
- Bilang bagong abogado, nahirang bilang isang Legal Consultant ng Office of the President sa Malacañang.
- Hinirang bilang kauna-unahang City Legal Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan. Kasabay nito, naitalaga din siya bilang pinuno ng Business License and Permit Section at Liaison Officer ng Pamahalaang Lungsod.
- Naitalagang City Administrator ni Mayor Carlos Brucal noong 2005.
- Nagging Pangulo ng iba’t ibang samahang sibiko at organisasyon tulad ng Integrated Bar of the Philippines – Oriental Mindoro, Rotary Club of Calapan at Mindoro Tamaraw Basketball Association. Aktibong miyembro din si Mayor Doy  ng Knights of Columbus, Couples for Christ at Guardians Brotherhood Incorporated.
Naging professor din siya sa Divine Word College of Calapan – Commerce Department, Luna Goco College – College of law at maging sa City College of Calapan.

No comments:

Post a Comment

 
New Business Work at Home