Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Sunday, January 8, 2012

BAGONG CALAPAN PROGRAM


Ipagmalaki mo, Calapeño ako!


Pagtatanim sa puso at isipan ng mga Calapeño na dapat ipagmalaki sa buong bansa at mahalin ang Lungsod bilang kanilang pook na sinilangan at tahanan.

Paglulungsad ng comprehensibong Tourism Program na kinabibilangan ng:

  • Branding ng Calapan  bilang isang tourism destination  sa Mindoro;
  • Patuloy  na paghubog ng disiplina tungo sa kagandahang ugali ng bawat Calapeño;
  • Mas pinatingkad na KALAP FEST na magiging katulad ng Sinulog Festival sa Cebu at Penagbenga sa Baguio
  • Pagsasagawa ng apat na Mardi Gras sa Undas at Mardi Gras sa Pasko
  • Pagbandera ng programang ONE TOWN, ONE PRODUCT (OTOP) para buhayin ang mga produktong tatak Calapeño
  • Paglulungsad ng Friday Night sa Bagong Calapan kung saan  magkakaroon ng mga pampamilyang aktibedades sa City Plaza  tulad ng mga konsyerto, drama plays, palaro at iba pa. Magkakaroon din ng mga  night market at food stands
  • Patuloy na development ng Bulusan Park bilang isang mini zoo at outdoor activity destination
MAPAGKALINGANG PAMAMAHALA


Isang administrasyon na patuloy na ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan ay tapat
sa tao, totoo sa kanyang tungkulin at umaagapay sa mga nangangailangan.

Pamahalaang Hindi namumulitika

  • Calapan City Bilang isang model local government sa bansa dahil sa mahusay na serbisyo sa mga mamamayan katulad ng Aksyon Agad 10 minute Service na pambato ng Pamahalaang Lungsod para maging ISO Certified ang City Government of Calapan.
  • Pagsasakatuparan ng programang Ensuring Reduction of Poverty Action Team (ERPAT) sa isang opisina na papaloob sa Opisina ng Punong Lungsod na magrekomenda ng mga programa kontra kahirapan sa lungsod.
·   Pagbibigay ng mas komprehensibong Livelihood Program sa mga mahihirap.
  • Pag-oorganisa sa mga taong may kapansanan sa buong Calapan at pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan, tulong pang-edukasyon at ayudang pangkalusugan para lubos silang maging kasama at katulong sa pagpapaunlad ng lungsod .
·   Paglilinis sa kalungsuran ng mga manlilimos at mga palaboy na mga bata sa pamamagitan ng Programang Lingap.
  • Pagsusulong ng mga karagdagang programa para sa mga senior citizens ng Calapan tulad ng pagbibigay ng libre at regular na general medical check up
  • dalawang beses kada taon.
  • Sa kabuuan, patuloy na pagtuturo na ang kinabukasan ng Calapan ay makakamit hindi sa pamamagitan ng pagbibigay ng panandaliang kasarapan lamang sa halagang Php 200.00 at paninirang puri sa gobyerno kundi pag-aalay ng tapat na kalinga sa mga Calapeño.

NAGKAKAISANG CALAPEÑO


Makukumpleto ang mukha ng Bagong Calapan kung ang mga mamamayan ay nagkakaisa sa isip, pangarap at balakin para sa ikakaunlad ng lungsod.

  • Patuloy na pagkikintal sa isip ng bawat Calapeño na ang pagpapaunlad ng lungsod ay hindi lamang responsibilidad ng gobyerno kundi kasama ang bawat Calapeño;
  • Paglulungsad ng regular na “Pulong Barangay” kung saan ang Punong Lungsod at mga piling opisyales ng Pamahalaang Lungsod ay tutungo sa mga barangay para kunin ang pulso ng mga mamamayan sa mga Gawain at programa ng Pamahalaang Lungsod at pagdinig na din sa mga mungkahi ng mga Calapeño sa mga nais nilang proyekto;
  • Pagkakaloob ng parangal sa mga pangkaraniwang Calapeño na nagpakita na maigting na partisipasyon sa usaping panglungsod kada buwan na tatawaging Calapeño of the month.
  • Muling pagbuhay at pagsasaayos ng text messaging service patungo sa Pamahalaang Lungsod para direktang mapaabot ng mga Calapeño ang kanilang suhestiyon o reklamo;
  • Sama-samang paglilinis sa barangay minsan sa isang buwan at pangangalaga sa kalikasan;
  • Pagpapatuloy ng Discipline City Program;
  • Patuloy na pagpapalakas sa hanay ng barangay associations, sectoral groups, kababaihan, kabataan at iba pang sector.

Maligayang  Pamumuhay


Buhay na maligaya, kahit gaano kasimple o payak ngunit may kasiguraduhan sa lahat ng aspeto para sa lahat ng  mga Calapeño ang isa sa mga  mukha ng Bagong Calapan.

  • Universal coverage sa lahat ng Calapeño sa ilalim ng Orange Card Health Insurance Program.
  • Panibagong 3,000 trabaho sa  ilalim  ng mga pinaigting  na Job Generation  Program sapamamagitan ng City PESO at mas aktibong pagsusulong ng mga livelihood trainings at seminars direkta sa mga barangay, sectoral groups, kababaihan, kabataan at iba pang grupong panglipunan.
  • Micro financing program para sa 62 barangay sa Lungsod, partikular para sa  mga public school teachers upang maiiwas sila sa mapang-abusong lending schemes.
  • Mas maigting na pakikipagtulungan at pagpapatibay ng mga kooperatiba sa lungsod bilang katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapaunlad ng Calapan.
  • Pagdoble sa bilang ng City Scholars at pagpapaunlad pa ng City College of Calapan.
  • Paglilipat sa karagdagang 1,000 pamilya ng mga informal settlers para magkaroon sila ng sariling lupa at bahay.
  • Pagpapalakas ng programang pabahay sa mga empleyado at gobyerno.
  • Pagpapalakas ng produksyon ng palay at iba pa ng gulay at prutas sa lungsod sapamamagitan ng mas intensibong programang pang-agrikultura.
  • Pagbibigay ng mas madaming alternatibong pagkakakitaan ng mga mangingisda at ng kanilang pamilya sa lungsod kasama na ang patuloy na pagbibigay ng mga kagamitan para sa kanilang pangunahing hanap-buhay.

No comments:

Post a Comment

 
New Business Work at Home