Pages

Subscribe:

Ads 468x60px

Labels

Sunday, December 2, 2012

2nd best PESO in the country 2012


Testamento nang patuloy na pagbuti ng pamamahala gayundin ng pag-angat ng ekonomiya sa lungsod ang muling pagkakahirang sa Calapan bilang 2nd Best Public Employment Services Office (PESO) - Component City Category.
Taong 2005 nang maitatag ang City PESO ng Calapan na ang pangunahing layunin ay makahikayat pa ng maraming employers na tiyak na makapagbibigay-kabuhayan sa mga Calapeño, pang-lokal man o pang-abroad. Tungkulin din nitong makipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE) maging sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sa iba pang konsernadong ahensiya para masiguro ang maayos na kapakanan ng mga manggawang Calapeño.
Noong 2011 unang nakuha ng naturang opisina ang parehong parangal. Makalipas ang isang taon, muling lumaban sa maraming siyudad sa bansa ang City PESO kabilang na ang City of San Fernando, Pampanga na siyang nagwagi sa taong ito.
Ang mabilis na pagtaas ng employment rate sa lungsod ang pangunahing dahilan kung kaya naihanay ang city government sa may pinakamahuhusay na PESO Office sa buong bansa. Dagdag pa dito ang pagpasok ng malalaking investments na nakapagbigay ng trabaho para sa mga Calapeño.
Upang personal na tanggapin ang naturang parangal, tumulak patungong Baguio Country Club, Baguio City si PESO Manager at siya ring City Planning and Development Coordinator Marvin L. Panahon noong ika-11 ng Oktubre.
Samantala, ipinasa ng 5th Sangguniang Panlungsod sa kanilang 53rd regular session noong Setyembre 2011 ang Resolution No. 587, City Ordinance No. 16 “An Ordinance Establishing the Public Employment Services Office under the Office of the City Mayor and Adopting the Organizational Structure of the same and appropriating funds thereof.” upang kilalanin ang City PESO bilang isang ganap na institusyon.
Ang hakbang ding ito ang ginawa upang higit pang matutukan ng City PESO ang pagtataguyod ng mga proyekto at programang tutugon sa pagpapa-unlad ng kabuhayan sa lungsod.
Lubos naman ang pasasalamat ni G. Panahon na ngayo’y Regional President ng MIMAROPA Regional PESO Federation sa pamahalaan dahil sa suportang ibinibigay nito sa kaniyang tanggapan. Dahil dito, inaasahang mas maiaangat pa ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa Lungsod ng Calapan.
 
New Business Work at Home